H-U-G-O-T

hugot

Sa buhay mo para kanino ka ba humuhugot? Saan ba nanggagaling ang hugot mo? Anong klase hugot ba ang meron ka?

May mga hugot na malalim, meron din namang mababaw lang. Merong masakit, merong pabebeng hugot lang. May hugot na pang nagmomoment, meron namang hugot na pang matagalan- yung tila bang nakatagpo ka na ng forever sa hugot mo. May hugot na ginaya mo lang kasi uso at yung hugot na feeling mo swak na swak sa’yo.

May mga hugot na tayo lang ang nakakaramdam. Meron din naman na tayo lang nakakaalam. May mga hugot na relate na relate ang karamihan yung tila ba pareho lang ang inyong pinagdadaanan. May hugot na mabilis makamove on at may hugot na tila ba kahit lumipas ang maraming taon hinding hindi ka na makakaahon. Ano man ang mangyari lagi mong tatandaan, di masama ang humugot at lalong di masama ang maglabas ng nararamdaman. Minsan sa ganitong paraan man lang ay maibsan ang sakit, ang pait, ang kirot na iyong pinapasan. Lilipas din ang mga araw at sa paglubog nito nawa’y makasama na ang bakas ng bawat kahapon at nang ang puso mo ay matuto ng maghilom.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s